My photo
Quezon City, NCR, Philippines
I am blessed, a songwriter, a musician, an educator, an artist, a SERVANT of GOD, a woman after God's own heart and a princess by heart=)

Thursday, December 25, 2008

text

"The Subscriber Cannot Be Reached"

Scripture:

John 8:32
32
Then you will know the truth, and the truth will set you free."

Ano ano ba ang mga possible at legitimate reasons kung bakit pag tinatawagan natin ang mga gusto nating makausap, e, imbis na mag ring ang phone nila, ang sinasabi ng phone ay, "the subscriber cannot be reached, please try your call later?".

One, baka walang signal kung san siya nanduon. Nangyayari pa rin yan ngayon. There are places or spots na mahina ang signal ng ating phone network, kaya people have a hard time connecting.

Two, baka naman low-bat. Sometimes people forget to bring their charger, kaya, pag hindi nila napansin ang battery nila, e bigla nalang ito nag sha shut off. Hindi tuloy siya matawagan.

Sana hindi siya nanakawan ng celfone o dinaman kaya naaksidente. Sana hindi. Pero posibleng reason din yan.

Pero meron pa bang ibang possible reasons?

Well, sad to say, meron pang isa.

At eto yung, sadyang pinatay ang phone.

And why so?

E, obviously, ayaw niyang ma reach siya ng kung sino man. And who knows, ikaw pala yung ayaw niyang makausap. Kaya kahit wag na siya makontak ng iba, wag kalang niya makausap, e, cge nadin, at papatayin ang phone for a certain period of time.

Maaring iniiwasan ka kasi, me utang siya syo, at baka singilin mo na.

O dinaman kaya, baka ikaw ang umuutang sa kanya, at umiiwas itong makausap ka.

Maaring me tinatago. Tinatago ang kanyang lokasyon. Kung sino kasama. At kung ano ginagawa. Hahayaan nalang niyang lumipas ang mga minuto, oras, at baka, ilang araw pa nga, para, makaiwas na magkaalaman kayo.

Puede ding galit kung kanino. Ayaw nito pang makipagusap kahit sa pamilya at close friends, much more makipagbati sa mga taong involved. They just want to be left alone.

E what about us?

Tayo na gustong gustong makausap sila?

Depende siguro kung gano ka emotional at important para sa atin na makausap ang gusto nating makausap, pero kadalasan, nanggigil tayo sa phone. Text tayo ng text. Mamaya kung ano ano na ang ating nasasabi, lalo nat pag napipikon na tayo at naasar kasi walang sagot. Walang response.

Mamaya maya, sa ating inis, e na wro wrong send na tuloy tayo. Kung sino sino tuloy ang biglang nakakaalam ng ating problema. E ang text panaman can be misinterpreted.

Usually sa mga magboyfriend this happens.

Pag pikang pika na yung girl sa boyfriend niya e, kung ano ano ang natetex nito. E kaso, wala namang sagot ang guy.

At kahit magtawag kapa ng magtawag, pag patay ang phone, better yet, pag pinatay ang phone, isa lang ang maririnig, "the subscriber cannot be reached, please try your call later."

But you can't wait.

Ayaw mung pumayag na hindi siya makausap.

Your anger, your sadness, your feelings are building up inside, and somehow, you think, the only way for you to get some form of relief, is when, mag ring ang phone niya, at sagutin ang tawag mo.

But what if hindi ito mangyari ngayon?

What if mapudpod na ang keypad ng phone mo sa kakatext pero wala pading textback?

What if maubos na ang battery ng phone mo kasi dial ka ng dial, pero, the phone remains dead?

What should we do then?

Hard as it may be, but eventually, we need to accept the harsh truth.

The person on the other line doesnt want to talk to you.

He doesnt want to be reached by people, most specially by you.

It's the truth.

Yes it's harsh.

But it is.

And by accepting it, the soonest, we will be free, to rest our thougths. We will be free to wipe our tears. We will be free to rest our tired fingers, and even our bodies, na maaring nagutom at napuyat sa kakatext at sa kakatawag. We will be free to do something else with our time, with our lives.

It's painful.

It's never easy na tinatakasan ka ng tao. Na iniiwasan ka. Lalo na ng mga taong minsang naging mahalaga at importante sa ating buhay.

But if that is the truth, eventually we need to accept it, eventually we need to accept it.

For only then, will we be free, free to be healed, free to be comforted, free to move on.

PRAYER

Help me Lord to accept the truth. Help me Lord to heal. Help me Lord to move on. I pray for the people who have hurt me. I pray for them. I pray for my anger towards them. I surrender them to you. I pray for the sadness they have caused in my life. For the sadness i have allowed to enter into my life. I pray for them, as i also pray for myself. I give myself to you. My heart most specially, that you may touch it. That you may fill me with love, joy and peace, this day, in Jesus name, amen